Hepatitis B virus particles are detected by a microscope. Credit: Dr. Erskine Palmer / CDC

Ang pag-uulat na ito ay tinaguyod kasama ang isang California Health Equity Fellowship mula sa USC Annenberg Center for Health Journalism at isang gawad mula sa Pulitzer Center.


Kung hindi dahil sa mungkahi ng kanyang asawang sumailalim sa isang pangkatawang check-up bago sila magpakasal, maaaring tumagal pa nang maraming taon para kay Tony Lau, isang kontratistang lumipat sa San Francisco sa kanyang taong teenager, na malamang siya ay may di-gumagaling na hepatitis B — isang pangmatagalang impeksyong sanhi ng virus na maaring makasira ng atay.

“Hindi ako yung taong pumupunta sa doktor nang walang dahilan,” sabi ni Lau.

Gaya ng maraming taong may di-gumagaling na mga kaso ng hepatitis B, ang kontratistang si Tony Lau ay hindi nalamang siya ay may sakit hanggang siya ay nagkaedad na, kahit na siya ay malamang na nahawahan sa pagkasilang pa lang. Credit: Jason Winshell / San Francisco Public Press

Nang si Lau ay nasuri nang siya ay 28, siya ay malusog sa matagal na panahon ng kanyang buhay, nagpapatingin lang sa mga doktor sa mga bihirang pagkakataon gaya ng mga pinsala mula sa paglalaro ng basketbol. At yan ang nakakalito sa sakit na ito: Ito sa kadalasan ay walang palatandaan, na ang pagkaramdam ng pagod lang ang madalas na napapansing palatandaan, kaya madaling itong di-pansinin. Ito ang dahilan kaya ang mga dalubhasa ay tinatawag ang di-gumagaling na hepatitis B na isang “tahimik na pumapatay,” kahit na may mga mahusay nang panlaban sa virus na panlapat para mapabagal ang paglala ng sakit.

Kung si Lau ay hindi agad nasuri at nagamot nang mangyari ang mga ito, maaaring makabilang siya sa 1 sa 4 na mga biktima ng hepatitis B na magkaroon ng mga di na maibabalik na pinsala sa atay.

Ang Hepatitis B ay di-nauunawaan nang malawakan, isang suliraning pinalala ng di-sapat na pagsasala at pagtuklas. Ang di-gumagaling na hepatitis B ay di palagiang natutuklasan di gaya ng sa matinding mga kaso, na nagpapahintulot na ang sakit ay madalas na magpatuloy at lalong makapinsala. Ayon sa World Health Organization, 13% lang ng mga nabubuhay nang may virus ang nakakaalam na meron na nito nag-iiwan sa marami, lalo na ang mga nasa imigrante at napapabayaang mga pamayanan, na di nasuri ng doktor at di naaabot ang napapanahong gamutan. Habang wala pang lunas para sa impeksyon, meron nang pang-araw-araw na gamot na mapapangalagaan ang virus  at mapababa ang pagkakataon ng pagkakaroon ng pinsala sa atay. Ngunit kung patuloy na ang sakit ay hindi matuklasan at mauwi sa kanser sa atay, isang transplant ang tanging magagawa. Kaya, ang maagang pagsasala ay napakahalaga

Mga Di-pagkakapantay batay sa lahi

Ang mga Asyanong Amerikano, Pacific Islanders at mga imigrante mula sa sub-Saharan Africa ay ang may malaking kinabibilangan ng mga maysakit na di-gumagaling na hepatitis B sa Estados Unidos, isang di-pagkakapantay sa lahing nananatili sa kabila ng mga dekadang pagtataguyod.

Ang mga Asyaning Amerikano Asian Americans, na kumakatawan sa 7% ng mga mamamayan ng U.S., ay nabibilang sa mahigit sa kalahati ng lahat ng may di-gumagaling na mga kaso ng hepatitis B. Humigit-kumulang 70% ng mga impeksyon ay nangyayari sa mga taong ipinanganak sa ibang bansa, lalo na sa Asya, sa Pacific Islands at Africa, ayon sa mga datos mula sa Centers for Disease Control and Prevention.

Pinakikita rin ng mga datos na ang mga Asyano Amerikano at Pacific Islanders ay 11 na beses na mas malamang na mapinsala ng di-gumagaling na hepatitis B kung ihahambing sa di-Hispanikong mapuputing mga tao. Sa California, ang mga naninirahang Asyano Amerikano at Pacific Islander ay 15.5% ng mga mamamayan ngunit nabibilang sa mas mahigit na kalahati sa lahat ng mga naiulat na mga kaso ng di-gumagaling na hepatitis B sa pagitan ng 2017 at 2021.

Isang pagkilos upang mapalakas ang pagkalap ng mga datos at pagsasala para sa hepatitis B ay umusbong sa nakalipas na tatlong mga taon, ngunit ang pagsulong ay nananatiling mabagal dahil sa sinasabi ng mga nagtataguyod na di malunasang kakulangan sa pondo.

Meron bang lunas?

Si Dr. Maurizio Bonacini, isang gastroenterologist sa UCSF, ay nangungunang isang bisig ng isang pandaigdigang klinikong pagsubok na nagsisikap sa isang lunas para sa di-gumagaling na chronic hepatitis B.

Si Dr. Maurizio Bonacini, isang gastroenterologist sa UCSF, ay namamahala ng isang bisig ng isang 72-na linggong-habang, tatlong-gamot na pag-aaral ng therapy na inaasahan ng mga tagapagtaguyod na makakalunas ng maraming mga maysakit ng di-gumagaling ng hepatitis B. Tinataya niyang ang pandaigdigang pagsubok na B-United, na pinondohan ng GSK, ay maaaring matapos sa 2027.

“Ang FDA ay maaaring magbigay ng pinabilis na pagsusuri, na maaaring tumagal nang hindi aabot sa anim na buwan. Kundi man ito ay sa isa o dalawang taon, kaya di na ito mangyayari bago 2029,” sabi niya.

Ang pagsubok na B-United ay kinapapalooban ng mga pag-iiniksyon ng dalawang molecules upang mabawasan ang dami ng hepatitis B virus na umiikot sa  katawan ng maysakit. Dalawampu’t-apat na linggo matapos ang iniksyon, isang gamot na tinatawag na Bepirovirsen ay uumpisahan. Ang Bepirovirsen ay napatunayang nakapagbigay lunas sa tinatayang 10% ng mga maysakit kung ginagamit nang natatangi.

“Sa pamamagitan ng bagong protocol, sila ay umaasang magkaroon ng isang antas na panlunas na magmumula sa 20% sa pinakamababa tungo sa 50% ng mga maysakit na may mas mababang antas ng virus ,” sabi ni Bonacini.

Ang pagkakalap ng mga maysakit para sa pagsubok pangkliniko ay pinatunayang higit na mas madali sa mga maysakit na may mas mataas na pinag-aralan, at nakakaluwag sa buhay. Ang mga pagsisikap ni Bonacini’s na kumuha ng mga kalahok Asyanong Amerikano at Pacific Islander ng iba’t ibang antas sa pamumuhay ay nakitaan ng may hangganang pagtagumpay.

“Ang aking inaasahan ay kung ang mga taong may hep B ay mapag-iisip na ang lunas ay maaring mangyari, sila ay higit na magkakaroon ng gana sa mga pagsusubok pangklinikong magkakaroon ng patuloy na pahusay na mga kalalabasan,” sabi niya.

Ang mga pagbabawas ni Trump sa pagpopondo

Ang pagbabawas sa pondo sa pananaliksik pangmedisina ng pangasiwaang Trump ay nagbabanta sa pag-unlad tungo sa isang lunas sa hepatitis B. Ang laang gugulin ay nagtatakda ng $1.8 bilyong kabawasan sa National Institutes of Health at ang pagtanggal sa lahat ng pagpopondong pederal sa  National Institute on Minority Health and Health Disparities, kasama na dagdag na pagbabawas sa Food and Drug Administration, na siyang may huling pagpapasya sa pagsang-ayon sa mga bagong gamot at mga panlapat na lunas.

Noong Abril, ang pangunahing hepatitis testing lab ng bansa sa Atlanta ay napasara rin dahil sa pagbabawas sa mga manggagawa ng pangasiwaang  Trump sa Department of Health and Human Services. Binalaan ni Chari Cohen, pangulo ng nakabatay sa Pennsylvaniang Hepatitis B Foundation, na ito ay higit na magpapahina sa kakayahan ng bansang pag-aralan ang mga datos at matuklasan ang biglang pananalasa ng viral na hepatitis. Ang pagsasara ay maaaring ring makahadlang sa mga pagsisikap na matugunan ang biglang pananalasa gaya ng pagdami ng mga kaso ng hepatitis A sa Los Angeles noong Mayo.

Habang ang di-gumagaling na hepatitis B ay isang maiuulat na sakit, ang ibig sabihin ay ang mga pampook na  tagapaghatid ng pangangalaga sa kalusugan at mga laboratoryo dapat ay magpabatid sa mga kagawaran ng kalusugan ng estado at pampook sakaling may natuklasan silang isang impeksyon, ang mga nakalap ng datos ay di nagpapakita ng pangkalahatang larawan ng sakit, sabi ni Cohen.

Ang pamamaraang pagsubaybay para sa mga di-gumagaling na hepatitis B ay kulang sa pagkukunan, sabi ni Cohen, na humahadlang sa pagusuri at pag-unawa sa lawak ng sakit. Minumungkahi ng mga pagsusuring hanggang 80% ng mga mga nahawahan malamang ay mananatiling di nasusuri.

Ang Centers for Disease Control and Prevention’s Division of Viral Hepatitis ay umaasa sa mga datos mula sa estado at pampook na kagawaran ng kalusugan ngunit ang mga pamamaraan ng pagkalap ng mga datos ay nagbabago sa mga pampook na mga pagkukunan. Ilang mga nasasakop ay nakakakalap ng mas detalyadong kaalaman kung ihahambing sa iba. Bilang halimbawa, ang California, isang estadong may malaking mamamayang  Asiyano at Pacific Islander at isang makabuluhang bigat ng di-gumagagaling na hepatitis B, ay nag-umpisa lang noong 2021 na mag-ulat sa bagong  natiyak na mga kaso ng di-gmagaling na hepatitis B sa CDC sa taunang batayan.

Si Wendy Lo ay nakikipag-usap sa isang panauhin sa isang dragon boat regatta sa Lake Merced tungkol sa hepatitis B at mga paglilingkod na inaalok ng Hep B Free, ang samahang kanyang kinaaniban. Credit: Jason Winshell / San Francisco Public Press

Pag-iwas

Karamihan sa mga pagsisikap ng pampublikong kalusugan sa hepatitis B ay nakatuon sa pag-iwas sa mga impeksyon, pangunahin na sa pamamagitan ng pagbakuna sa mga bata at pagsasala  sa mga buntis nga babae  upang maiwasan ang ina-sa-sanggol na hawahan. Ang mga pagsisikap na ito ay nagkaroon ng mga tagumpay, sabi ni Dr. Amy Tang, direktor ng kalusugan ng mga imigrante sa North East Medical Services, na naglilingkod sa maraming mga Asyanong Amerikano sa Bay Area.

“Ngunit,” dagdag niya, “malaking bilang pa rin ng mga nasa edad ang maaaring hindi alam ang tungkol sa sarili nilang impeksyon o may impeksyon at nangangailangan ng pagsubaybay.” Sa nakaraang dekada, ang pag-unlad sa pagbaba ng kaso ng pagkamatay dahil sa hepatitis B sa mga Asyano Amerikano at Pacific Islanders ay napakaliit, kahit na ang kanilang mga antas ay nanatiling may kabuluhang mas mataas sa ibang pangkat ng lahi o etniko.

Pandaigdigang Pagsasala

Isang susi sa pag-uunawa sa hepatitis B ay pagpapalawak sa pagsiskap sa pagsasala. Sa mga taon, ang pagsubok sa hepatitis B ay wala sa maraming mga tagpuang medikal, nagbunga sa makabuluhang puwang sa pagtuklas at paggamot.

Isang California Assembly bill na tinalaga noong 2021 ay nangangailangan sa panguhaning mga nangangalagang doktor na mag-alok ng pagsusuri ng  hepatitis B at C sa mga taong higit na nasa panganib, kasama na ang pinanganak sa Kalagitnaan at Timog Silangang Asia at sub-Saharan Africa. Noong 2023, pinaghusay pa lalo ang kanilang patnubay upang mairekomeda na ang lahat ng nasa edad na ay masala kahit minsan sa pamamagitan ng karaniwang pagsusuri ng dugo. Isang uri ng institusyon ang matagal nang itinatag na pandaigdigang pagsasala sa hepatitis B: mga pampook na nakabatay na pagamutan sa San Francisco. Kahit na ang lungsod ay kulang sa malakas na pagsubaybay sa pampublikong kalusugan para sa di-gumagaling na hepatitis B, ito ay nanatiling pagamutang home to community-based gaya ng Chinese Hospital and North East Medical Services, na naglalaan ng pagsasala bilang pangkaraniwang bagay, maging sa mga paglilingkod na may pagapapahalaga sa kultura at pagpapaabot.

San Franciscong Malaya sa Hep B

Noong maagang 2000s, isang daluyong ng di inaasahang mga pagkamatay sa maagang edad dahil sa hepatitis B ang gumulantang sa pamayanang Asyano Amerikano. Bilang tugon, noong 2007 ang mga pampook na mga pinuno at mga doktor ay binuo ang San Francisco Hep B Free, na kailan lang ay binago ang kanilang pangalan sa Hep B Free. Ang samahan ay nagsanib ng mga pinuno ng pamahalaan at kinatawan mula sa lahat ng mga pangunahing mga pagamutan at mga tagapaghatid ng pangangalaga sa rehiyon upang magpulong nang madalas upang pag-usapan ang sakit.

Si Stuart Fong, na naghahanap-buhay noon sa Chinese Hospital, ay isa sa mga kasaping nagtatag ng samahan. Tumulong siyang ilunsad ang isang programang hepatitis B program sa Chinese Hospital na nag-aalok ng walang bayad na pagsasalang pampamayanan. Sinabi ni Fong na ang kanilang mga tauhan ay maglalagay ng mga mesa sa mga kaganapan sa pamayanan upang makaabot sa mas maraming nakatira.

Si Richard So, ang bagong pinuno ng samahan, ay nagsisikap na buhayin ang mga pagsisikap ng ito. Siya at iba pang mga katuwang ay bumubuo ng handbook na naglalahad kung paano ang mga tagapaghatid ng pangangalaga sa kalusugan ay nagsasagawa ng pandaigdigang pagsasala, upang ang iba ay gayahin ito.

Zhe Wu is a reporter who is interested in covering stories related to the Asian American community. Previously, she has covered education and local community issues in the East Bay for Oakland North, Oaklandside and Berkelyside. She speaks Cantonese, Mandarin, English and a bit of Hakka. She arrived at the Public Press in 2023 as a member of the first cohort of the California Local News Fellowship program, a multi-year, state-funded initiative to support and strengthen local news reporting in California, with a focus on underserved communities. Zhe Wu received the 2025 award for Outstanding Emerging Journalist from the Society of Professional Journalists, Northern California Chapter.

Mel Baker is the producer and a contributor to The San Francisco Public Press radio program/podcast Civic. He has worked as a national network and Bay Area broadcaster for many decades. From early training in National Public Radio’s newscast unit, to stints in the newsrooms of KGO radio and KTVU-TV, and as a news anchor and reporter at KALW and other Bay Area stations, he has embraced the responsibility of broadcast media to “enlighten and inform” the community.